^

Metro

Pasaherong holdaper, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasaherong holdaper, arestado
Nahaharap sa kasong frustrated murder, robbery with intimidation at paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Mark Ryan Duran, 33, ng Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.
File Photo

MANILA, Philippines — Timbog sa mga awtoridad ang isang holdaper na naaktuhang binibiktima ang isang taxi driver sa Brgy. San Roque, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong frustrated murder, robbery with intimidation at paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Mark Ryan Duran, 33, ng Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Si Duran ay inaresto ng mga miyembro ng Police Community Precinct 1 (PCP-1) ng Marikina City Police, sa pangunguna ni P/Senior Insp. Renato Samson, matapos na holdapin ang biktimang si Eduardo Parrocha, 61, taxi driver, residente ng Brgy.Project 6, Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa Chestnut Street, kanto ng Flamingo Street, sa Brgy. San Roque.

Sa reklamo ni Parrocha,  nagpanggap na pasahero ang suspek at sumakay sa kanyang taxi sa area ng Farmers, Cubao, Quezon City, saka nagpahatid sa Brgy. San Roque.

Pagsapit sa Chestnut Street, ay bigla na lang nagdeklara ng holdap ang suspek, at kinalawit sa leeg ng taxi driver ang isang kutsilyo at sinabing “Pera lang ang kailangan ko!”

Kaagad namang iniabot ng taxi driver ang 120 kinita ngunit nagalit ang suspek dahil sa maliit na halaga at sabay inundayan ng saksak ang biktima, na maswerte namang nakailag kaya nadaplisan lamang.

Sa puntong iyon ay namataan ng mga tauhan ng PCP-1 na nagsasagawa ng Oplan Sita, ang taxi na naka-hazard signal sa lugar, at napuna ang komosyon sa loob.

Kaagad na rumesponde ang mga pulis at nang ma­kita sila ng biktima ay kaagad na sumigaw nang, “Sir! Hinuholdap ako!”

Hindi naman na nag-aksaya ng panahon ang mga pulis at dinakip ang suspek, na nakumpiskahan ng isang patalim, P120 cash, isang wallet na may iba’t ibang Identification card at sling bag na may tatlong plastic sachet ng droga.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek sa Marikina City Police. 

HOLDAPER ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with