^

Metro

Zamora vs Estrada sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Zamora  vs Estrada  sa San Juan
Sinabi ni Zamora na matagal nang ipinakita ng mga residente ng San Juan na nais na nila ng pagbabago matapos na lumagda at pumabor sa kanyang inihaing recall protest laban kay incumbent Mayor Guia Gomez noong nakalipas na halalan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng paniniwala si dating San Juan City Vice Mayor Francis Zamora na matutuldukan na ang halos 50-taong pamumuno ng mga Estrada sa kanilang lungsod.

Sinabi ni Zamora na matagal nang ipinakita ng mga residente ng San Juan na nais na nila ng pagbabago matapos na lumagda at pumabor sa kanyang inihaing recall protest laban kay incumbent Mayor Guia Gomez noong nakalipas na halalan.

Sinabi ni Zamora, na  naniniwala naman siya na sa gaganaping halalan sa susunod na taon ay makikita na ang tunay na kagustuhan ng mga mamamayan, na magkaroon ng pagbabago.

Si  Zamora ay naghain ng kandidatura dakong alas-10:00 ng umaga kahapon sa ilalim ng PDP-Laban kasama ang kanyang amang si Cong. Ronaldo Zamora, na tatakbo sa kanyang ikatlo at huling termino bilang kinatawan ng San Juan, gayundin ang kanyang bise alkade na si Warren Villa, at kanilang mga konsehal.

Makakalaban ni Zamora sa eleksyon si incumbent San Juan Vice Mayor Janella Estrada, na apo ng dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada na tumatakbo namang muli bilang Alkalde ng Maynila.

Makaka-tandem ni Estrada si dating PSC Chairman at da­ti na ring naging Vice Mayor Leonardo Celles, at magiging congressman naman nila ang beteranong actor na si Edu Manzano. 

FRANCIS ZAMORA

GUIA GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with