Ilan pang kandidato, nagsumite na rin ng COC
MANILA, Philippines — Nagdulot ng trapik kahapon sa mga motorista ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga pulitiko sa Parañaque City, Taguig at Muntinlupa City.
Kabilang sa naghain ng COC ang dating alkalde ng lungsod Parañaque na si Florencio “Jun” Bernabe at ang kanyang bise alkalde na si Jeremy Marquez sa tanggapan ng Commission on Elections COMELEC sa Parañaque City.
Alas-8:15 ng umaga nang maghain sina Bernabe at Marquez at ilan sa mga sumama sa partido nito na nag-file na rin kanilang COC bilang konsehal ng lungsod.
Nagkaroon naman ng mabigat sa daloy ng trapiko ang harapan bahagi ng City Hall dahil na rin sa rami ng taga-suporta ng dating alkalde na sumama sa paghain nito ng COC sa ikatlong palapag ng gusali ng City Hall ng Parañaque kung saan matatagpuan ang tanggapan ng COMELEC.
Muling makakatunggali ni Bernabe si incumbent Parañaque City Edwin Olivarez.
Ngayong alas-8:00 ng umaga (Miyerkules, Oktubre 17) ay maghahain ng COC si Olivarez para sa pangatlong termino nito bilang alkalde ng lungsod.
Kamakalawa naman ang kapatid ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na si Direk Lino Cayetano ay naghain na rin ng COC para sa pag-alkalde sa lungsod ng Taguig.
Alas-4:15 kamakalawa ng hapon ay pormal ding naghain sa COMELEC, Muntinlupa City ng COC para tumakbo sa pagka-alkalde sa lungsod si dating port operation division chief ng Bureau of Immigration (BI) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na si Mark Red Marinas at makakatunggali nito si incumbent Mayor Jaime Fresnedi.
Kasabay rin ni Marinas na naghain ng COC ang kanyang bise alkalde na si Celso Dioko, na kasalukuyang bise alkalde rin ng lungsod.
- Latest