^

Metro

Incumbent officials sa Malabon, Valenzuela nagsumite na ng kandidatura

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Incumbent officials sa Malabon, Valenzuela nagsumite na ng kandidatura
Sa Malabon City, nagsanib ang dating nagkalaban noong 2013 na sina incumbent Mayor Lenlen Oreta na muling tatakbo sa naturang posisyon para sa kanyang huling termino at si Jaye Lacson-Noel na tatakbo bilang kinatawan ng lone district ng Malabon sa Kongreso.
File Photo

MANILA, Philippines — Nagsumite na rin ng kani-kanilang  certificate of candidacy (COC) ang mga imcumbent na lokal na opisyal sa mga lungsod ng Malabon at Valenzuela City para sa kanilang re-election.

Sa Malabon City, nagsanib ang dating nagkalaban noong 2013 na sina incumbent Mayor Lenlen Oreta na muling tatakbo sa naturang posisyon para sa kanyang huling termino at si Jaye Lacson-Noel na tatakbo bilang kinatawan ng lone district ng Malabon sa Kongreso.

Kasama ang kandidato nila sa Vice Mayor na si Bernard Dela Cruz at lahat ng mga konsehal, nagsumite ang grupo ng kanilang COCs sa lokal na Commission on Elections office nitong Lunes ng umaga.

Inaasahang makakabangga ng kanilang grupo ang tiket naman na pamumunuan ni Congressman Ricky Sandoval at Vice-Mayor Jeannie Sandoval.

Sa Valenzuela City, nagsumite na rin ng kanyang COC para sa kanyang huling termino si Mayor Rex Gat­chalian at kanyang Vice Mayor na si Lorie Natividad-Borja.

Tatakbo bilang kinatawan ng District 1 ng lungsod ang kanyang kapatid na si Cong. Wes Gatchalian habang sa District II si Cong. Eric Martinez. Kasama rin na nagsumite ng kanilang kandidatura ang 12 kandidato para sa konseho.

Hindi pa naman mabatid kung sino ang makakalaban ng grupo ni Gatchalian sa lungsod.

COC FILING

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with