Lim sasabak muli sa pagka-alkalde
MANILA, Philippines — Idineklara ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang opisyal na kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila sa dara-ting na halalan sa 2019.
Mismong si PDP-Laban president, Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang nag-anunsiyo sa ginanap na mass oath-taking ng may 7,000 miyembro at lider ng partido ni Lim, ang KKK (Kapayapaan, Katarungan at Kaunlaran) sa Open Air Auditorium sa Luneta na dinaluhan ng PDP stalwarts na kinabibilangan nina dating PNP Chief at kasalukuyang Bureau of Corrections Director Ronald dela Rosa, Department of the Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño at Makati Congressman Monsour del Rosario, na naghalinhinan sa pag-endorso kay Lim bilang kandidato sa pagka-mayor ng Maynila.
Sa nasabing pagtitipon ay pinuri ni Pimentel sa kanyang talumpati ang tagum-pay ng ‘womb to tomb’ program na inumpisahan ni Lim ipatupad sa lungsod sa unang pag-upo nito bilang mayor noong 1992.
Ang nasabing program ay nagbigay ng libreng serbisyo para sa mahihirap, mula sa oras na ang isang tao ay nasa sinapupunan hanggang sa kamatayan. Tampok sa mga serbisyong ito ang pagtatag ni Lim ng libreng college education nang kanyang ipatayo ang City College of Manila na ngayo’y Universidad de Manila at ang paglalagay sa anim na distrito ng Maynila ng tig-isang ospital na nagbibigay ng mga libreng serbisyo medikal, admission, doktors at maging take-home medicines.
- Latest