‘Oplan Greyhound’ ikinasa sa Valenzuela City Jail
MANILA, Philippines — Malinis sa mga kontrabando tulad ng iligal na droga, patalim at baril ang Valenzuela City Jail sa ikinasang ‘Oplan Greyhound’, kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat ng Valenzuela City Information Office, alas-4 ng madaling araw nang ikasa ng pamunuan ng Valenzuela City Jail sa pamumuno ni J/Supt. Ramil Vestra ang ‘Oplan Greyhound’ kung saan pinalabas ng kani-kanilang selda ang mga bilanggo upang halughugin ang kanilang mga higaan at mga gamit.
Target ng mga awtoridad na makakumpiska ng mga iligal na droga, improvised na patalim at maging baril ngunit nagnegatibo ang bilangguan sa mga ito. Nakakumpiska rin naman ang mga otoridad buhat sa Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, at Valenzuela K-9 unit ng ibang mga iligal na gamit. Ayon kay Vestra, ang aktibidad ay base sa ipinatutupad na ‘Oplan Linis Piitan’ campaign ng BJMP upang matiyak na ligtas sa anumang iligal at mapanganib na mga kontrabando ang mga piitan sa bansa.
- Latest