^

Metro

P2P bus sa Las Piñas -- Makati City, umarangkada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P2P bus sa Las Piñas -- Makati City, umarangkada
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), P100 ang pamasahe sa nasabing ruta, na ang unang biyahe ay alas-5:30 ng umaga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umarangkada na kaha­pon ang P2P buses na mayroong ruta na Las Piñas City hanggang Makati City at vice versa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), P100 ang pamasahe sa nasabing ruta, na ang unang biyahe ay alas-5:30 ng umaga.

Maaaring makasakay ng    P2P bus sa Pilar Station kung galing ng Las Piñas at sa Circuit  Lane naman kung galing ng Makati.

Ang drop off point naman ng bus ay sa Landmark at sa Ayala Triangle sa Makati City.

Sinabi ng DOTr, isang magadang balita ang deve-lopment na ito na malaki ang maitutulong sa mga pasahero na papunta at pabalik ng Las-Piñas City at Makati City.

Patuloy na gumagawa ng paraan ang pamunuan ng DOTr kung papaano maiibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila o kung papaano maging kumbinyente ang mga pasahero sa kanilang mga biyahe.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

P2P BUSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with