^

Metro

Seaman, 1 pa tiklo sa ‘hot car’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Seaman,  1 pa tiklo  sa �hot car�

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isang seaman at kasama nito makaraang masakote sa minamanehong nakaw na Sports Utility Vehicle (SUV), kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na sina Ronnie Jay de Jesus, 34, isang seaman, ng Brgy. Camarin, at si Carlo Victoriano Lim, 38, ng Brgy.176, kapwa sa lungsod ng Caloocan.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:00 ng hatinggabi nang makatanggap ng impormas­yon ang Anti-Carnapping Unit ng Valenzuela City Police ukol sa pagkakatagpo ng isang puting 2011 Isuzu Sportivo (GRG 88) na umano ay isang nakaw.

Nang tingnan ang database ng PNP-Highway Patrol Group, dito nakumpirma na naka-flash alarm ang naturang sasakyan.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis kung saan natagpuan ang ‘hot car’ sa may garahe ng isang medical facility sa may McArthur Highway, sa Brgy. Malinta, ng naturang lungsod habang nasa loob ang dalawang lalaki.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento sa sasakyan, ay walang maipakita ang mga suspek dahilan para arestuhin sila ng mga pulis.

vuukle comment

CARNAPPED

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with