MPD at MDRRMO handa na sa pagtama ng bagyo
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Manila Police District na handa ang kanilang mga tauhan sakaling kaila-nganin sa paglilikas at pagtulong sa mga ililikas na mamamayan kaugnay ng bagyong Ompong.
Sinabi ni Supt. Carlo Magno Manuel, hepe ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) at concurrent chief ng Public Information Office, kahapon alas-9:30 ng umaga nang makipagpulong sila kasama ang mga tauhan ng MPD-Station 5 sa Manila Disaster Risk Reduction Ma-nagement Office (MDRRMO) sa Delpan Evacuation Center, sa R10 Tondo, Maynila.
Ito’y bilang tugon sa kautusan ni MPD director Chief Supt. Rolando Anduyan na manati-ling nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang kaagad na makapagbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan bilang paghahanda sa pagtama sa lupa ng bagyo .
Tiniyak din ni Johnny Yu, director ng MDRRMO na handang-handa na ang kanilang mga tauhan at resources sa anumang maaaring kaganapan na idudulot ng bagyong si Ompong.
Kabilang sa binabantayan ang mga komunidad na mala-pit sa Manila Bay at Pasig River tulad ng Baseco, sa Port Area at Isla Puting Bato sa Tondo.
- Latest