^

Metro

‘One strike policy’ sa video karera ipapatupad sa mga police commander

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
‘One  strike policy’ sa video karera  ipapatupad sa mga police commander
Ito ay matapos atasan kahapon ni Las Piñas City Ma­yor Imelda Aguilar ang hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Marion Balolong, na buwagin ang naturang sugal at arestuhin ang mga may-ari at operator nito.

Sa Las Piñas

MANILA, Philippines — Ipatutupad ng pamunuan ng Las Piñas City Police ang ‘one strike policy’ sa sinumang commander ng presinto na mabibigong hulihin at buwagin ang mga video karera sa naturang siyudad.

Ito ay matapos atasan   kahapon ni Las Piñas City Ma­yor Imelda Aguilar ang hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Marion Balolong, na buwagin ang naturang sugal at arestuhin ang mga may-ari at operator nito.

Ang hakbangin ng alkal­de ay bunsod sa reklamo ng maraming magulang sa lungsod, na karamihan sa kanilang mga anak ay nalululong sa video karera at napapabayaan na umano ang pag-aaral ng mga ito.  

Bilang pagtugon ng pu­lisya sa kautusan ng alkal­de, nasa 20 video karera machine ang nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-gambling operation sa area ng Brgy. Zapote, Pulang Lupa Uno at Dos, Manuyo Uno at Dos, Talon Uno at  Dos at  CAA.

Bukod sa pulisya, inata-san din ni Aguilar ang mga barangay official, na paig­tingin ang monitoring nito kontra vi-deo karera.

ONE STRIKE POLICY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with