^

Metro

13 estudyante nalason

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
13 estudyante nalason

MANILA, Philippines — Nasa 13 katao kabilang  ang 4 na menor-de-edad ang na food poisoning matapos dumalo sa isang event sa Esku­wela Coope­ratives National Conference na ginanap sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Patuloy na ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktima matapos makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae matapos kumain sa mga ini-haing pagkain ng  hotel.

Ayon sa report ng  Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police,  alas-8:00 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa security officer ng nasabing pagamutan at ini-report na may isinugod  na mga pasyente na kabilang sa mga participants mula sa iba’t ibang probinsiya ng nabanggit na conference.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, matapos kumain ng kanilang pananghalian   ang nasabing mga biktima bandang ala-1:30 ng hapon nang makaramdam ang mga ito ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.

Ayon sa attending phy-sician na kinilalang si Dr. Lyndon Cosico, 13, sa biktima na  na confine, apat dito ay mga menor-de-edad.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

ESKU­WELA COOPE­RATIVES NATIONAL CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with