^

Metro

Submission ng UPCAT application sa Diliman, nagkagulo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Submission  ng UPCAT application  sa Diliman, nagkagulo
Nasa 10,000 mga senior high school students ang dumagsa sa UP Diliman para isubmit ang kanilang UPCAT forms na huling araw kahapon.
(Kuha ni Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng kagulu- han at tensyon sa huling araw nang pagsusumite ng mga senior high schools students buhat sa private schools sa Metro Manila ng kanilang aplikasyon para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) para sa school year 2019-2020 sa UP Diliman Quezon City kahapon.

Ito ay bunga ng naging pagdagsa ng mga mag-a-aral na nagsasabay sa last day  na tinatayang aabot sa 10,000.

Sa sobrang haba ng pila at dami ng mga mag aaral ay nagkaroon ng siksikan at pila dahilan para ang ilang mag-aaral ay mahilo at   mahimatay.

Agad namang dinala ang mga nahilong estudyante  sa clinic ng paaralan na nabigyan ng agarang lunas.

Sinasabing kagabi pa pumila ang ilang mag-aaral sa admission office kaya’t nang mag-umaga ay siya namang haba ng pila kayat nagsiksikan na ang karamihan doon.

Dapat sana ay noong isang linggo pa ang deadline sa pagsusumite ng UPCAT form sa UP Diliman pero dahil sa mga  pag-uulan  sa Metro Manila na dulot ng sunud-sunod na pagbagyo ay itinak-    da kahapon ang deadline.

Wala namang tugon ang pamunuan ng UP management sa panawagan ng mga aplikante na-eextend ang pagsusumite ng aplikasyon. 

Mayroon ding submission ng UPCAT application sa UP Maynila pero hindi naman nagka-tensyon.

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES COLLEGE ADMISSION TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with