^

Metro

Pulis-Maynila patay sa rider

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Maynila patay sa rider
Kaugnay nito blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktimang si PO2 Joel Padre Juan, 40 nakatalaga sa Anti-Crime Unit ng MPD-Station 4 at residente ng Sampaloc, Maynila.

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis-Maynila makaraang pagbabarilin ng isang rider na suspect, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Kaugnay nito blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktimang si PO2 Joel Padre Juan, 40 nakatalaga sa Anti-Crime Unit ng MPD-Station 4 at residente ng Sampaloc, Maynila.

Ayon kay MPD-Homicide Section chief, Senior Inspector Rommel Anicete, nagsa-sagawa pa ng imbestigasyon ang kaniyang mga tauhan matapos panoorin ang kuha ng closed circuit television (CCTV) hinggil sa pananambang ng rider sa biktima.

Dead on the spot si PO2 Padre Juan habang sugatan sa ligaw na bala ang isang Gilbert Barid, 32, residente ng Batanes St., Sampaloc, na nilapatan ng lunas sa Ospital ng Sampaloc.

Naganap  ang insidente alas-5:15 ng hapon  sa panulukan ng G. Tuazon at Min-doro Sts., Sampaloc.

 Hindi naman mamukha-an sa footage ng CCTV ang gunman dahil nakatalikod  ang kuha na nakabuntot  sa biktima na lulan din noon ng motorsiklo saka mabilisang binaril ang huli. 

Nang tumumba kasabay ng kaniyang motorsiklo ang biktima ay huminto pa ang gunman at muli siyang pinaputukan ng malapitan kahit nakabulagta na sa kalye ng G. Tuazon.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Padre Juan.

ROMMEL ANICETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with