^

Metro

10 Aegis Juris member naghain ng not guilty plea

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
10 Aegis Juris member naghain ng not guilty plea
Binasahan ng sakdal sa sala ni Judge Marivic Balisi Umali ng Manila RTC Branch 20 sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Joseph Miguel Salamat, Daniel Hans Matthew Rodrigo, Marcelino Bagtang at iba pang John Does.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghain ng not guilty plea sa Manila Trial Court ang 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na pawang mga akusado  sa pagpaslang kay Horacio ‘Atio’ Castillo III, isang UST law student.

Binasahan ng sakdal sa sala ni Judge Marivic Balisi Umali ng Manila RTC Branch 20 sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Joseph Miguel Salamat, Daniel Hans Matthew Rodrigo, Marcelino Bagtang at iba pang John Does.

Ang pagdinig sa kasong paglabag sa Anti Hazing Law o Republic Act 8049 ay tumagal ng halos tatlong oras.

Nagsagawa rin ng pre-trial sa kaso  na nagtagal ng halos tatlong oras lalo na at pawang pagtanggi o denial ang sagot ng mga akusado sa mga tanong sa kanila.

Samantala kahit non-bailable ang kaso ng mga akusado, sa Agosto 14, 2018, alas-8:30 ng umaga ay didinggin ni Judge Umali ang petition for bail ng mga suspek.

Samantala,  aminado ang ina ng biktima na si Carmina na wala siyang naramdamang awa nang makita niya ang mga sangkot sa pagkamatay ng kanyang anak dahil hindi rin aniya naawa ang mga suspek nang patayin si Atio.

Nanindigan si Mrs. Castillo na nais niyang mabura sa mundo ang pangalang Aegis Juris Fraternity.

Related video:

AEGIS JURIS FRATERNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with