Travel certificate ng minors pinadali sa e-Services ng DWSD
MANILA, Philippines — Pinadali na ng Department of Social Welfare and Development ang pagkuha ng travel certficate ng mga menor de edad sa paglulunsad ng kanilang e -Services.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, mas magiging mabilis na ngayon ang pagkuha ng travel clearance certificate para sa mga minors at certificate of Registration and Licensing ng mga Social Welfare and Development Agencies.
Naniniwala ang pamunuan ng DSWD-NCR na lalong mapapadali at mababawasan na ang red tape sa ginawang launching ng ahensiya ng e-Services Online Application for Travel Clearance for Minors sa ibang bansa.
Sa ilalim ng programa ang ahensiya ay magbibigay ng direktang access sa pamamagitan ng internet.
Ibig sabihin maaari nang mag apply ang mga magulang o guardian ng mga bata para sa nasabing travel clearance gamit lamang ang cellphone o computers. Humahanap ng paraan ang ahensiya upang mapaayos at mapabilis ang kanilang sistema sa pagbibigay serbisyo sa publiko.
Paliwanag pa ng kalihim ang Travel Clearance for Minors Traveling Abroad ay alinsunod sa Administrative Order No. 12 series 2017 o Omnibus Guidelines for Minors Traveling Abroad upang mabigyan ng proteksyon ang mga menor de edad at mabigyan ng access sa iba pang legal na dokumento.
Ayon naman kay DSWD Undersecretary for Luzon Affairs and Special Concerns Isko Moreno ang naturang hakbang ay alinsunod sa kautusan ng pangulo na padaliin ang buhay ng mga pilipino sa tuwing nakikipag transaksyon sa pamahalaan.
- Latest