^

Metro

Prangkisa sa armored van, giit

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Prangkisa sa armored van, giit
Sabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, ang mga armored van ay kinokonsidera na pribadong behikulo, gayunman dapat na aniyang mabigyan ang mga ito ng prangkisa para nako-control ang operasyon .

MANILA, Philippines — Matapos ang  naganap na aksidente sa isang lady enforcer na nasagasaan ng isang armored van, sumulat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Council for Traffic (IACT) para i-regulate o bigyan na ng prangkisa ang mga armored van.

Sabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, ang mga armored van ay kinokonsidera na pribadong behikulo, gayunman dapat na aniyang mabigyan ang mga ito ng prangkisa para nako-control ang operasyon .

Nilinaw ni Garcia na ang mga armored van ay hindi exempted sa mga batas trapiko.

Ang reaksiyon ng MMDA ay bunsod sa naganap na aksidente sa isang lady en­forcer, na nabangga habang ito ay nagmamando ng trapiko sa gitna ng Southbound lane ng EDSA-Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng umaga .

Payo ng MMDA sa mga motorista na mag-ingat aniya sa pagmamaneho para maiwasan ang mga ganitong uri ng aksidente.

Gayundin pinaalalaha­nan nila ang mga enforcer na hangga’t maaari ay huwag nang gumitna sa kalsada maliban na lamang kung may mga emergency na dapat asistahan para magmando ng trapiko.

vuukle comment

ARMORED VAN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with