^

Metro

Batang lansangan sinagip sa Maynila: Ilang magulang pumalag, tensyon sumiklab

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Batang lansangan sinagip sa Maynila: Ilang magulang pumalag, tensyon sumiklab
Una nilang pinuntahan ang T.M. Kalaw Avenue pero simula pa lang ay naging tensiyonado na ang operasyon dahil ang mga magulang ng mga bata ay nag-iyakan.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Sumiklab ang tensyon sa isinagawang pagsuyod ng mga tauhan ng Department of Social Welfare ng Manila City Hall sa mga kalsada sa lungsod at sinagip ang mga batang natutulog sa lansangan.

Una nilang pinuntahan ang T.M. Kalaw Avenue pero simula pa lang ay naging tensiyonado na ang operasyon dahil ang mga magulang ng mga bata ay nag-iyakan. 

May ibang nanlaban, nam­bato, at ang isa ay nag­labas pa ng panaksak.

Target ng lokal na pamahalaan ng Maynila na sagipin ang mga bata para ilayo sila sa krimen at linisin ang mga kalsada sa lungsod.

Ayon kay Lindsay Javier ng MDSW, nais ni Manila Mayor Joseph Estrada na mailigtas sa anumang panga­nib ang mga menor-de-edad lalo pa’t may kampanya ang Philippine National Police laban sa mga tambay.  

Kasunod nilang sinuyod ang mga kalye ng M.H. Del Pilar, ang kahabaan ng Vito Cruz, at Remedios.

Nasa 15 bata na tinata­yang 6-taong gulang pataas ang nasagip, mas mababa kumpara sa mga na-rescue noong Martes.

Regular itong ginagawa ng Manila City Hall pero matapos ang tensiyonadong eksena kahapon,  tinitingnan na nila ang posibilidad na magsama ng mga pulis sa kanilang operasyon.

Pansamantalang dina­dala sa Manila Reception and Action Center ang mga bata bago ihatid sa Boystown sa Marikina City, kung saan tinitiyak ng Manila city government na ligtas at maayos ang lagay ng mga ito.

Puwede naman umanong ibalik ang mga nasagip sa mga magulang basta makapagbigay ang mga ito ng kaukulang dokumento.

CRIME

STREET CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with