9 na bagong aerobridge, inilagay sa NAIA
MANILA, Philippines — Siyam na mga bagong aerobridge ang ininstall ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang naturang bagong solid glass aerobridges ay may built-in air conditioner at CCTV na magagamit ng mga paalis at padating na mga pasahero.
Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal, na unti-unti na nilang binabago ang ilang aerobridges para magamit ng mga pasahero sa NAIA T1.
Ilang dekada na rin umanong ginagamit ng mga pasahero ang mga lumang passenger boarding bridges(PBB), kaya naman panahon na para palitan ito ng ‘apron-type at pedestal-type’ para maging kompor-table ang mga pasahero sa paliparan.
Ayon kay Monreal, magpapalit sila ng karagdagan 9 units ng PBB sa Phase 1 samantalang sa bahagi ng Phase 2 ng NAIA Terminal 1 ay maglalagay din ng 11 units na boarding bridges. Ang pagsasaayos ng PBB sa Phase 1 ay sinimulan kahapon at inaasahan na makukumpleto ang mga ito sa December 2018 at ang Phase 2 project ay inaasahan mapapalitan sa 1 quarter ng 2019.
“Rest assured that we will work doubly hard to make a difference for the benefit of the air riding public,” pagtatapos ni Monreal.
- Latest