^

Metro

5 pulis-Pasay sinibak

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
5 pulis-Pasay sinibak
Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt Noel Flores, tinanggal niya sa puwesto, na kanya munang itinalaga sa admin holding office at araw-araw niyang pinag-re-report sa kanyang tanggapan sina SPO2 Basir Amil; PO1s Arvin Genove; Wilma Delight Dececa; Angelica Torres at Madonna Biasura, pawang mga nakatalaga sa Central Park Police Community Precint (PCP).
Michael Varcas

Nanggulpi ng sinitang propesor

MANILA, Philippines — Limang pulis kabilang ang tatlong lady cop ang sinipa sa puwesto ng ka­ni­lang hepe matapos umano nilang hulihin at gulpuhin ang isang lasing na propesor na nagmura sa kanila makaraan nilang sitahin ito dahil sa hindi pagsusuot ng helmet naganap nitong Sabado ng gabi sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt Noel Flores, tinanggal niya sa puwesto, na kanya munang itinalaga sa admin holding office at araw-araw niyang pinag-re-report sa kanyang tanggapan sina SPO2 Basir Amil; PO1s Arvin Genove; Wilma Delight Dececa; Angelica Torres at Madonna Biasura, pawang mga nakatalaga sa Central Park Police Community Precint (PCP).

Samantala, nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10054 o hindi pagsusuot ng helmet, R.A. 10583 o pagmamaneho ng lasing, Resistance and Disobedience to Person/Agent in Authority ang violator na kinilalang si Sherwin Guardame, 42, nagtuturo sa National Teachers College (NTC) sa Maynila at nakatira sa #1218 CP-2, Central Park Condominium, D. Jorge St., Brgy. 130, Zone 13 ng natu-rang lungsod.

Base sa report, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng D. Jorge St., ng naturang barangay.

Habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis ay namataan nila si Guardame na nagmamaneho ng kanyang kulay pulang Honda Wave na may plakang ZN-2219 at wala itong suot na helmet.

Dahilan upang sitahin ito ng mga pulis dahil sa paglabag nito sa batas trapiko, su-balit sinigawan, pinagmumura at sinabihan silang “walang patawad” ni Guardame.

Na ayon kay Guardame dahil sa insidente ay ginulpi umano siya ng mga pulis na nanghuli sa kanya.

Bilang aksiyon, kaagad na tinanggal sa puwesto ni Flores ang nasabing mga pulis. 

LADY COP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with