^

Metro

AWOL na parak kasama sa drug list ni Digong, timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
AWOL na parak kasama sa  drug list ni Digong, timbog
Kinilala ang akusadong si SPO2 Ferdinand Cajipe, na AWOL mula sa Police Security Protection Group (PSPG).

MANILA, Philippines — Isang AWOL na pulis, na kasama sa listahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na kabilang sa High Value Target   (HVT level III)  personnel na  sangkot  umano sa droga  ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Regional Special Operation Unit,  National Capital Regional Police Office (RSOU, NCRPO) at  Guiguinto  Police Station, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang akusadong si SPO2 Ferdinand Cajipe, na AWOL mula sa  Police Security Protection Group (PSPG).

Ayon sa tanggapan ni NCRPO director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, ala-1:00 ng hapon nang madakip si Cajipe nang pinagsanib na pwersa ng RSOU, NCRPO at lokal na pulisya sa loob ng Waltermart, Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan.

Nadakip si Cajipe sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC),  Branch 26 bunsod ng kasong robbery extortion na isinampa ni Myrna Germedia, noong Enero 18, 2002.

Matapos umanong arestuhin nina Cajipe at ng 3 pang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Station 11 si Germedia at taniman umano ng shabu ay kinuha ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P100,000.00.

Kung saan nahatulan si Cajipe ng naturang sala noong Marso 19, 2007 at umapila ito sa Court of Appeal (CA).

Subalit noong Pebrero 8, 2018 ay  ibinasura ang petition ni  Cajipe.

Base pa  sa record ng pulisya, si Cajipe ay may bank account na P7.22 million na naka- freezed  sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) dahil konektado ito kay Peter Co, isang convicted drug lord.

Kung saan ang pangalan ni Cajipe ay kabilang sa listahan ni Pangulong Duterte bilang nasa HVT.

AWOL

POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with