Drug ops: 1 utas, 3 kalaboso
MANILA, Philippines — Bulagta ang isang lalaking sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga habang arestado naman ang tatlo pang indibidwal na nadatnan ng mga awtoridad sa hinihinalang drug den sa isinagawang Anti-Drugs Operations sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 10, nasawi sa engkuwentro ang suspek na kinilalang si Sebastian Medina, ng Road 5, Jesus Extension, Pandacan, Maynila.
Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2011 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga kasamahan ni Medina na kinilalang sina Sally Bandung Santua, 44, John Lourd Inacay, 28, at Charissa Cuaresma Espiritu, 25.
Dakong alas-9:00 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa pakay na ‘tulak’ sa isang bahay sa Road 5, Jesus Extension, sa Pandacan.
Matapos umanong makabili ang poseur-buyer ay sinalakay na ang bahay at dahil sa tangkang pag-aresto ay nanlaban si Medina na nauwi sa palitan ng putok kung saan ito nasawi.
Binitbit naman ang tatlo pa na inabutan sa drug den matapos masamsam ang 10 sachet ng shabu, ang P1,000. buy-bust money, rolled aluminum foil at mga gamit na foil na, improvised pipe na may lamang sunog na dahon ng marijuana, maliit na timbangan, improvised needle, surgical scissors, at isang organizer.
- Latest