^

Metro

Libreng lab test sa mahihirap, aprub sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May  libreng clinical laboratory services  na sa  mga barangay health centers para sa  mahihirap na taga-Quezon City.

Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council sa  pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte sa City Ordinance No. SP-2686, S-2018  o ang “Quezon City Clinical Laboratory Ordinance” na iniakda nina Councilors  Julienne Alyson Rae Medalla at Diorella Maria Sotto na layong tugunan ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal ng mga mahihirap na taga-lungsod.

“Clinical laboratory servi­ces in private clinics and hospitals are usually expensive,so we thought of putting up our own laboratories in our public health centers for our indigents.” pahayag ni Belmonte.

Anya , mahalaga ang mga laboratory tests tulad ng urinalysis, Hematology at Complete Blood Count (CBC) sa pagsusuri ng mga sintomas ng sakit at bahagi rin ng pre-employment medical examination ng mga nag-a-apply ng trabaho at malaking tulong upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga taga-QC.

Inootorisahan ng napagtibay na  ordinansa ang lokal na pamahalaan na maglaan ng sapat na pondo para makapagtayo ng mga clinical laboratories sa mga health centers sa lunsod.

Sa ilalim ng QC Health Department (QCHD), ang bawat barangay laboratory ay pangangasiwaan  ng isang chief medical technologist habang ang technical operations ay pangungunahan ng isang clinical pathologist.

Libre dito ang mga mahihirap na sertipikado ng Social Services and Development Department (SSWD) ng City Hall, pati na rin ang mga opisyal ng barangay at kanilang mga kawani, mga Day Care Center teachers, at community health workers.

Ang mga guro at iba pang kawani ng Department of Edu­cation-Schools Division Office Quezon City ay libre din sa mga laboratory services.

May 30 percent discount naman sa mga laboratory package services ang mga rehistradong senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs), at 20 percent para sa mga permanenteng City Hall employees at kanilang dependents.

BARANGAY HEALTH CENTERS

CLINICAL LABORATORY SERVICES

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with