Mag-ina kalaboso sa ‘incest rape’ ng 12-anyos
MANILA, Philippines — Arestado ang ama at lola ng 12-anyos na nene na paulit-ulit na ginahasa sa kani-lang tahanan habang nasa ibayong dagat ang ina na isang overseas Filipino Worker (OFW), iniulat kahapon.
Iprinisinta sa media kahapon ng National Bureau of Investigation Assistant Regional Director Atty. Vicente De Guzman ang mag-inang suspek na ‘di ibinunyag ang pangalan dahil na rin sa proteksiyon ng mismong biktima na 12-anyos.
Nabatid na hinuli ang mga suspek dahil sa rekla-mong isinampa ng tumayong guardian na pinagbilinan ng ina ng biktima na kasaluku-yang OFW sa Oman, Jordan.
Noong Mayo 20, 2018, nang matuklasan ng inang OFW, habang nagbabakas-yon sa Pilipinas, ang sinapit na pagiging sex slave sa sariling ama ng anak na simula pa umano noong Enero 1, 2017 hanggang nitong nakalipas na Marso 14, 2018.
Ang pangyayari ay sinabi rin ng biktima sa kaniyang lola at tiyahin (ina at kapatid ng ama). Gayunman, sa halip na isulong ang pagsasampa ng kasong rape, sinuhulan pa umano ng lola ang doktor na baguhin ang resulta ng pagsusuri upang pagtakpan ang suspek subalit hindi pumayag ang doktor.
Nitong Mayo 30, 2018, nagpasiya ang ina ng biktima na isuplong sa NBI ang kagana-pan para mabigyan ng hustisya ang anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa tumayong guardian para sa pormal na reklamo.
Nakakuha naman ng record ang NBI na ang suspek at kaniyang ina mismo ay mga standing warrants of arrest na ginamit para sila ay madakip.
Nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa Article 335 (Statutory Rape) ng Revised Penal Code (as amended by Republic Act 7659 imposing Death Penalty) dahil sa menor-de-edad ang biktima habang ang kasong RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse , Exploitation and Discrimination Act) ay ihahain laban sa lola na nakapiit sa NBI detention faci-lity at sa tiyahin na nakalalaya pa.
- Latest