^

Metro

Pulis-Maynila itinumba sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binaril at napatay ang  isang pulis-Maynila ng apat na lalaking lulan sa dalawang motorsiklo na sumulpot sa inuman ng grupo ng una malapit sa isang basketball court sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si PO2 Carlo Tolentino Pineda, huling na-assign sa National Capital Region Police Office-Regional Personnel Hol­ding and Accounting Unit at residente ng Francisco St., Tondo at dating nakatalaga sa MPD-Homicide Section.

Sa ulat na inisyu ni MPD-Public Information Office chief, Supt. Erwin Margarejo, naganap ang insidente dakong ala- 1:40 ng madaling araw kahapon (Mayo 26) sa labas ng bahay ng biktima sa panulukan ng F. Varona at Francisco Sts., malapit sa isang basketball court ng Brgy. 75 Zone 7.    

Patuloy pang nanga­ngalap ng ebidensiya at closed circuit television (CCTV) footages ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng apat na lalaking  suspek kung saan dalawa ang nagsilbing driver ng Yamaha N-Max at Yamaha Mio Soul na motorsiklo habang ang dalawang gunmen ay armado ng kalibre 45 baril na pawang mga naka­maskra.

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa nasabing lugar nang biglang dumating ang mga suspek na walang sabi-sabing bumaril sa una. Matapos ang pamamaril, kaswal lamang na naglakad pabalik sa kanilang mga motorsiklo ang mga salarin at humarurot patakas sa direksiyon ng Herbosa St.

Naisugod pa ng mga kaibigan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit idineklara ring dead on arrival dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nagsagawa naman agad ng follow-up operation ang grupo ni Senior Insp. Ariel Ilagan ng Don Bosco Police Community Precinct subalit hindi na inabutan ang mga suspek.

COP SHOT DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with