^

Metro

Bagong school building sa Quezon City, bubuksan na ngayong pasukan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bubuksan na ngayong pasukan ang bagong four-storey senior high school building sa Batasan National High School bilang dagdag silid aralan sa lumaking po­pulasyon ng mga mag- aaral sa Quezon City.

Ang bagong school buil­ding ay may 12 classrooms at 6 na  laboratories na maa­aring gamitin ng may mahigit  2,000 senior high school students ng Batasan National High School. 

Ang mga laboratories ay may state-of-the-art scientific at technical equipment na akmang akma sa pangangailangan sa pag aaral ng mga Senior highschool sa Science and Technology, Engineering at Mathematics (STEM), ICT (Information and Communication Technology) at ABM (Accounting and Business Management). 

Ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng pondo para sa pagkakaroon ng technical equipment para sa  science at speech laboratories,  ga­yundin ng mga  IT equipment at software para sa computer laboratories para matiyak na ang mga  senior high school students ay makakatanggap ng globally competitive education na akma sa international standards.

Sa ngayon, may 157 na ang kabuuang bilang ng instructional classrooms sa QC na magagamit ng mga mag -aaral ng Batasan National High School para sa susunod na school year. Kasama na sa naturang bilang ang mga silid-aralan na naipatayo ng  national government.

BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with