^

Metro

Davao City, gagawing modelo ng QC sa emergency response

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Davao City, gagawing modelo  ng QC sa emergency response
Ayon kay Belmonte, ang mga disaster management at emergency response units ng QC ang isa sa mga pinakamahuhusay sa bansa ngunit kailangan pa rin ng pagpapabuti nito sa ibang mga aspeto.
Boy Santos

Ayon kay Joy B.

 MANILA, Philippines — Nais ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na ga-wing modelo ng Quezon City ang Davao hinggil sa pagpapalakas ng emergency response capabilities ng lungsod.

Ayon kay Belmonte, ang mga disaster management at emergency response units ng QC ang isa sa mga pinakamahuhusay sa bansa ngunit kailangan pa rin ng pagpapabuti nito sa ibang mga aspeto.

“I think, in terms of facilities and equipment, maganda na, may sarili na nga silang building, ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).

Ang Quezon City ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa bansa kung saan may sariling hiwalay na headquarters ang DRRMO.

“But ang lamang sa atin ng Davao (City), meron silang mas maayos na sistema, I think we can follow their example. We will work on that.” dagdag ni Belmonte.

Binisita ni Belmonte ang Davao City nitong Miyerkules at dito ay pinasyal siya ni  Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga emergency response facilities ng Davao.

“I was amazed to learn that in their very famous 911 Emergency Response System, a response team is dispatched one minute after any emergency occurs,” kuwento ni Belmonte.

Anya, ang 911 emergency hotline ng Davao City ay gumagamit ng makabagong Emergency Computer-Aided Dispatch (ECAD) system na agad nalalaman ang lokas­yon ng mga emergency calls.

Sa paghahalintulad sa Davao City at Quezon City, inamin ni Belmonte na may pagkakaiba sa response time ang mga first responders ng dalawang lungsod.

Inihalimbawa niya ang umano’y mabagal na pag­responde ng pulisya sa pa­mamaril kay Quezon City deputy prosecutor Rogelio Velasco sa Holy Spirit Drive nitong Mayo 11. Kasama pa ng piskal ang dalawang anak niya nang siya ay patayin.

“I was talking to the daughter and she said after the incident, wala man lang pulis na dumating agad or any emergency responders. In Davao City, I was told that within one to five minutes of an emergency, a trained team is already dispatched to the scene.”sabi pa ni Belmonte.

May insidente pa anya na namatay ang isang batang-mag-aaral sa Tomas Morato Elementary School nang mabagsakan ng puno at hindi alam ng mga rumesponde ang dapat gawin.

Inamin ni Belmonte na limitado ang kakayahan ng mga emergency responders ng Quezon City sa pagtugon sa iba’t ibang emergency.

DISASTER MANAGEMENT

EMERGENCY RESPONSE CAPABILITIES

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with