^

Metro

Pekeng pulis timbog sa pakikialam sa police operations

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang isang lalaki na nagpakilalang tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detective Management Group (CIDG) nang makialam ito sa trabaho ng mga tunay na pulis sa Caloocan City ka­makalawa ng hapon.

Nahaharap ngayon sa   kasong usurpation of authority ang suspek na nakila-lang si Chuckie Tinapay, 31, security guard, ng La Conception, Antipolo City.

 Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:30 ng hapon nang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa pangunguna ni PO3 Arvin Pingul sa nagaganap na kaguluhan sa may  North Olympus, Zabarte Road matapos ang sumbong ni Charlo Lorente na umano’y hinaharas ng ilang lalaki ukol sa pagmamay-ari sa isang piraso ng lupa.

Pagdating ng mga pulis, dito rin dumating si Tinapay na nakasuot sibilyan at nagpakilala sa mga pulis na mi-yembro ng PNP-CIDG. Hini-ngian naman nina Pingul ng PNP ID si Tinapay na naglabas ng isang CIDG Agent ID.  Nang isailalim sa pagsusuri, lumabas na peke ang ID na ibinigay dahilan para arestuhin siya ng mga totoong pulis dahil sa pagpapanggap.

Unang dinala sa PCP 6 station si Tinapay bago inilipat sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch. Sa koordinasyon sa Northern CIDG team, nakumpirma na hindi kabilang si Tinapay sa kanilang listahan ng mga ahente.    

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with