^

Metro

Sunog sa Pasig: 3 magkakapatid, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Pasig: 3 magkakapatid, patay
Kinilala ang mga biktima na sina BJ Navidas, 2; John Andrew Navidas, 4 at Princess Joy Navidas, 7, pawang residente ng San Isidro Street, Centennial 2, Nagpayong 2, sa Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod.

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong magkakapatid na paslit makaraang masunog ang kanilang tahanan bunsod ng napabayaang nakasinding kalan sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kahapon ng  umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina BJ Navidas, 2; John Andrew Navidas, 4 at Princess Joy Navidas, 7, pawang residente ng  San Isidro Street, Centennial 2, Nagpayong 2, sa Brgy.  Pinagbuhatan sa lungsod.

Sa ulat ng Pasig City Fire Department, nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-6:27 ng umaga sa bahay ng mga biktima.

Sinasabing maagang nagising ang ina ng mga bata at nagpakulo ng tubig na pang-kape.

Habang hinihintay ang pagkulo ng tubig ay naisipan ng ginang na iwanan na muna ito at bumili ng pandesal sa kalapit na tindahan. Iniwanan rin ng ginang ang mga anak sa loob ng tahanan na noon ay natutulog pa.

Laking paghihinagpis ng ginang nang sa kanyang pag-uwi ay nakitang nilalamon na ng apoy ang kanilang tahanan.

Sinabi ni SFO4 Eduardo Rosales, arson investigator, agad silang nagres­ponde sa sunog pero pagdating sa lugar ay tupok na ang bahay ng mga biktima.

Sa isinagawang mopping up at clearing ope­ration at doon nadiskubre ang sunog na katawan ng magkakapatid.

Umabot lamang ng unang alarma ang sunog at nagtagal ng 26 na minuto dahil gawa lamang sa light material at lumang kahoy ang tahanan ng mga biktima na naapula dakong alas-6:53 ng umaga.

MAGKAKAPATID

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with