^

Metro

Mga nanay libreng sakay sa P2P bus

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magbibigay ng libreng sakay para sa mga nanay ang mga  P2P buses, bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina sa Linggo, Mayo 13.

Nabatid mula sa pamu­nuan ng Department of Trans­portation (DOTr), hanggang ngayong araw, Mayo 11 ay libreng makasasakay ang mga nanay sa mga P2P buses, bilang pagkilala sa kontribusyon nila sa kanilang pamilya at lipunan.

Kabilang sa magbibigay ng libreng sakay ang mga P2P bus ng RRCG na biyaheng Alabang Town Center – Greenbelt 1 at vice versa, sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon kapag galing sa Alabang at mula alas-8:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon kapag galing ng Greenbelt.

Libre rin naman ang sakay ng mga nanay sa P2P bus ng DNS na biyaheng UP Town Center – Glorietta 3 at vice versa mula alas-5:30 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng hapon kapag galing UP Town Center at alas-5:30 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng ha­pon kung galing Glorietta.

Sinimulan ng mga kompanya ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga nanay kamakalawa, Mayo 9.

MOTHERS DAY

P2P BUSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with