Nakalalasong cosmetics, kumakalat
MANILA, Philippines — Nanawagan sa Quezon City Health Department, QC Police District at Food and Drug Administration ang environmentalist group na Ecowaste Coalition na hulihin at patawan ng kaukulang parusa ang nasa likod ng malawakang bentahan ng nakalalasong cosmetic products sa Cubao Quezon City.
“We also urge commer-cial establishments who rent out space for vendors of beauty and herbal products to warn their tenants against selling items banned by the FDA such as cosmetics laden with heavy metals like mercury and other prohibited or restricted substances,” pahayag ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition.
Anya, malawakan ang bentahan ng mercury-tainted skin whitening cosmetics sa mga tindahan sa Cubao na nagbebenta ng mga beauty at herbal products na may epektong taglay sa katawan ng tao dahil sa mercury content bukod sa wala itong product notification.
“Our latest test buys indicate that mercury-laden skin whitening products are illegally sold in broad daylight not only in Baclaran and Divisoria, but also in Cubao,” dagdag ni Dizon.
Ang mga banned pro-ducts anya ay naibebenta sa halagang P100 hanggang P300 bawat isa ng dealers ng cosmetics at herbal food supplements na nasa malalaking supermarket at wet and dry market sa Araneta Center Cubao.
Giit ng Ecowaste coalition na agad paigtingin ng mga kinauukulang tanggapan ang pagwawalis sa mga produktong may nakakalasong kemikal upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapakanan ng mga kababaihan na bumibili ng mga skin whitening pro-ducts.
- Latest