‘Halfway house’ sa palaboy, tinayo ni Joy B, Simbahan
MANILA, Philippines — Sa kanyang kagustuhang mailigtas ang mga street children at mabago ang kanilang buhay, nakipagtulungan si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa Simbahan sa pagtatayo ng ‘halfway house’ para sa mga batang lansangan o palaboy.
Ang naipatayong pasilidad na pinangalanang “Bahay Pangarap” ang magsisilbing drop-in at processing center sa mga na-rescue na street children na karamihan ay nasasangkot sa droga, krimen, at aksidente sa kalsada.
“This is really a place, a very big facility, where our street children can be housed temporarily and I think this will play a big part in our street child care program, ” pahayag ni Belmonte.
Sa ocular inspection sa gusali na itinayo sa Diocese of Novaliches na pinamumunuan ni Bishop Antonio Tobias, kakikitaan ito ng dormitoryo para sa babae at lalake, mga silid paaralan, library, mess hall, play room, activity center, at iba pa.
Sinabi ni Belmonte na dapat sana’y magiging drug rehabilitation center ito pero dahil may pasilidad na nito ang lokal na pamahalaan, ang “Tahanan” sa Payatas ay minabuting gamitin na lamang ito para sa mga batang lansangan.
“We realized that one of our problems here in Quezon City is the street children. Many of them that we have rescued are drugs and substance abusers, so we decided to make it as a facility for street children,here at Bahay Pangarap, we will take care of them, we will process them. If they have no parents, we will refer them to proper institutions,” dagdag pa ni Belmonte.
Ayon pa dito, malaking tulong ang ‘Bahay Pangarap’ sa Special Drug Education Center ng lungsod kung saan sumasailalim sa counseling ang mga sumusukong drug dependent.
Base sa 2015 report ng isang alyansa ng NGO sa bansa, tinatayang may 30,000 street children sa Metro Manila. Sa QC , may mga lugar din na maraming street children tulad ng Kalayaan Road, Barangay E. Rodriguez at Quezon Avenue.
- Latest