Rider sumalpok sa 40 footer van, todas
MANILA, Philippines — Patay ang isang 27-anyos na rider habang sugatan naman ang backride nito matapos na mahagip ng isang 40-footer container van sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Manila kahapon.
Dead on the spot ang biktimang si Juan Christopher Zape dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan habang isinugod naman sa hindi pa malaman na pagamutan ang angkas nito.
Dinala naman sa tanggapan ng MDTEU para isailalim sa imbestigasyon ang driver na si Ferdinand Lakar, 32.
Ayon sa ilang nakasaksi sa insidente, binabagtas umano ni Zape at kasama nito ang southbound lane ng Roxas Boulevard nang mag-overtake ang isang motorsiklo.
Pumunta umano sa kanan ang biktima para umiwas na mabangga pero nabangga ng paparating na truck.
Tumilapon umano ng ilang metro ang biktima na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.
- Latest