^

Metro

Top 7 most wanted sa Maynila, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog  ang isang notoryus na ‘Jumper Boys’ na itinuturing na top 7 most wanted person ng Manila Police District-District Intelligence Division nang ingu­so sa mga awtoridad na nagtatago ito sa loob ng se­menteryo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa ulat ni Chief  Insp. Rolando Armendez, hepe ng MPD-Warrant Section, kinilala ang suspect na si Ronald Clarit, alyas Ron-ron, 25, nakatira sa loob ng Manila North Cemetery.  Nadakip ito pasado ala-1:00 ng hapon kahapon sa gilid ng barung-barong na nasa tabi ng mga nitso.

Eksaktong umuwi si Cla­rit sa kaniyang tinutu­luyan para kumain ng tanghali­an kasama ang anak at ki­nakasama nang ituro sa grupo ni Armen­dez.

Ani Armendez, alas-7:00 ng umaga nang magbantay na sila sa sementeryo upang arestuhin si Clarit base sa hawak nilang warrant of arrest mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 81 sa kasong  2 counts of robbery kaugnay sa pagsampa sa sasakyan na bumabaybay sa A. Bonifacio Drive sa QC, nang hindi alam ng driver at nakatangay ng cellphone at iba pang gamit.

Miyembro si Clarit ng ‘Jumper Boys’ o ‘Spidermen’ na ang modus ay sumampa sa mga trak, bus at delivery at container van habang hindi napupuna ng driver at pahinante at tinatangay ang mapapakinabangan bago tumatalon habang tumatak-bo ang sasakyan.

Noong nakalipas na Oktubre 2017 nang isyuhan ng warrant of arrest si Clarit subalit nakapagpiyansa  at di na lumutang sa korte.

Nabatid na noong nakalipas na buwan nang may magtimbre kay Armendez na madalas makita sa semen-teryo si Clarit na nasa talaan ng MPD-DID most Wanted Person.

JUMPER BOYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with