^

Metro

2 parak timbog sa kotong

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang  ina­resto ng mga elemento ng Counter Intelligence Task Force (CITF) matapos na  irek­lamo ng pangongotong ng mga bus at van drivers sa isinagawang entrapment operation sa Malibay, Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Sa press conference  sa Camp Crame, kinilala ni CITF Commander P/Sr. Supt. Jose Chiquito Malayo ang mga nasakoteng suspek na sina PO2 Jerry Adjani Jubail at PO1 Michael Domalanta.

Bandang alas-4:15 ng hapon, ayon kay Malayo nang masakote ang dalawang parak habang nango­ngolekta umano ng ‘protection money’ o patong mula sa mga bus at van drivers  na nagpi-pickup ng mga pasahero sa illegal terminal sa lungsod.

Hindi na nakapalag ang dalawang pulis matapos na arestuhin ng mga naka­posteng CITF habang tumatanggap ng marked money sa isa sa mga nag­rereklamo na sinamahan ng mga operatiba sa nasabing entrapment operation.

Sinabi ni Malayo na ang dalawang pasaway na pa-rak ay pawang na­ka­tala-  ga sa Malibay Pasay Community Precinct (PCP) sa Pasay City Police.

Bago ito ay nagsa­ga­wa ng surveillance ope­ration sa lugar ang CITF opera­tives at nang makumpirma ang mga reklamong kanilang na­ta­tanggap ay isinagawa ang operasyon laban sa dalawang parak na naaresto sa lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nangingikil ang dalawa ng tig-P300 hanggang P500 mula sa mga bus at van drivers na pumaparada at kumukuha ng pasahero sa naturang illegal na terminal.

Kalaboso na ngayon at isinailalim na sa kustodya ng CITF sa Camp Crame ang dalawang pulis na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.   

COUNTER INTELLIGENCE TASK FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with