^

Metro

2 sunog: 8 katao tupok

Cristina Timbang, Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walo katao na kabilang sa dalawang pamilya ang nasawi  sa magkahiwalay na sunog na naganap sa Quezon City at sa Bacoor, Cavite kahapon ng madaling araw.

Sa lungsod Quezon, patay ang tatlong  katao, kabilang ang isang 10-taong gulang na batang babae habang dalawa pa ang malubhang  nasugatan sa sunog na  sumiklab sa Sarmiento Compound, Brgy. Pasong Tamo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Paulina Santos, 63; anak nitong si Rachel Ann Santos, 24 at apo na si Reyzen Santos, 10-anyos, ng Roque 1 Extension, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sugatan naman sina  Juanita Redido, 63; Antonio Entico, 58 at Mark Gabriel Ledesma, 27 na pawang nagtamo ng 2nd hanggang 3rd degree burns sa katawan. 

Ayon kay Quezon City Fire Marshall, Fire Superintendent Manuel Manuel, sumiklab ang apoy dakong alas-12:30 ng madaling araw sa tahanan ni Redido.

Sinasabing naiwang nakasinding kalan sa kusina ang pinagmulan ng apoy na umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula bandang ala-1:00 ng madaling araw.

Ayon sa ilang residente, nakita na nilang nakalabas sa nasusunog na bahay sina Paulina at Rachel pero muling bumalik sa loob para iligtas si Reyzen ngunit sila man ay nasawi.

Nadamay din sa sunog ang 15 kabahayan na pawang gawa sa light materials at nasa 50 pamilya naapektuhan.

Sa Cavite, lima katao ding miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang apat na buwang  sanggol ang nasawi makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Bacoor City, Martes ng madaling araw.

Sa report ni Fire Station Senior Fire Officer Emmanuel Arcallana, ang mga biktima ay natagpuang magkakayakap pa sa loob ng banyo ng nasunog nilang apartment sa Brgy. Aniban V, Bacoor City.

Bandang ala-1:50 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang apat na apartment sa isang compound sa Brgy. Aniban V ng lungsod.

Dakong alas-4 ng mada­ling araw naman ng magdeklarang fireout ang sunog at  nang mapasok na ang  lugar ay dito na narekober ang tupok nilang mga katawan sa loob ng banyo.

Tatlo sa mga nasawi ang nakilalang sina Christopher Moyano, live in partner nitong si Shirley Abalos at anak nilang si Chris Nathan Moyano. Patay din ang panganay na anak ni Christopher na 14- anyos na babae; at isa pang sanggol na tinatayang apat na buwang gulang.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimulang tupukin ng apoy ang compound na nasa F.E. de Castro Subdivision II sa Brgy. Aniban V habang ang mga biktima ay mahimbing na natutulog.

Naapula naman ang apoy  matapos ang may dalawang oras nang magresponde ang mga bumbero sa lugar.

vuukle comment

FIRE IN QUEZON CITY AND CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with