Anak ng dating konsehal namatay sa sariling baril
MANILA, Philippines — Patay ang 20-taong gulang na anak ni dating Quezon City Councilor Bong Suntay matapos umanong aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang sari-ling baril habang nililinis nito sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay kinila-lang si Lorenzo Gabriel Suntay, binata, estudyante ng Dela Salle University na kumukuha ng Business Administration at nakatira sa No.23-A Mariposa St., Brgy. Bagong Lipunan, Cubao, Quezon City.
Ayon kay Emely Pepito, 42, stay-in housemaid ng pamilyang Suntay, dakong alas-3:00 ng hapon nang makita niyang wala nang buhay ang biktima sa loob ng CR.
Sinabi ni Emely, huli niyang nakita ng buhay ang biktima sa loob ng kuwarto nito at naglilinis umano ng kanyang 20-gauge Bird’s Shot Gun.
Ani Emely, lumabas siya ng bahay para bumili ng makakain sa tindahan pero pagbalik nito ay wala na ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto kaya hinanap nito para kumain hanggang makita sa loob ng CR at wala ng buhay, katabi ang Emporter Perazzi Shot Gun na may serial No. 64792.
Agad na inireport ng katulong sa pulisya ang insidente na mabilis namang nirespondehan nina P/Sr. Insp. Joseph Infante at PO3 Marlon Dela Vega ng Scene of the Crime Operation (SOCO).
Nabatid na may tama ng bala ng shot gun sa ulo ang biktima at nakuha sa tabi nito ang nasabing baril, may isang slug at bala.
Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may ‘foul play’ sa naganap na insidente.
Ayaw namang magbigay pa ang pahayag ang pamilyang Suntay sa naganap na insidente.
- Latest