^

Metro

P38 per kilo ng bigas, ibebenta ng Joy Belmonte rolling stores

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula sa darating na Lunes, April 23 ay mag iikot si QC Vice Mayor Joy Belmonte sa ibat ibang barangay sa lungsod upang magbenta  ng murang bigas sa pres­yong P38 kada kilo sa rolling stores na binansagang “Rolling TienDA/Bigas para sa Masa” sa tulong ng Department of Agriculture mula alas-8:00 ng umaga.

Sinabi ni Belmonte na ang hakbang ay upang  matulungan ang publiko na magkaroon ng sapat na suplay ng murang bigas  sa kabila ng kakulangan nito  mula sa National Food Authority (NFA), na mas tinatangkilik ng mga mahihirap na pamilya.

Ang  “Rolling TienDA/Bigas para sa MASA” ay unang nilunsad sa Barangay Payatas noong  Marso 5 ni Belmonte at DA na  sagot sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglaanan ng murang pagkain ang  mamamayan.

Ang pagbebenta ng murang bigas ng Rolling TienDA ay tatagal hanggang Abril 30.

Iikutin nito ang Barangays Escopa 3, Tagumpay, Bagong Silangan, Sto. Niño, Tatalon, Pasong Putik, Sta. Monica, Manresa, at Talayan.

Bukod sa bigas,magtitinda rin ang mga TienDA   truck ng mga sariwang gulay.

QC VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with