^

Metro

7 kalsada sa Quezon City,Caloocan isasara

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong kalsada ang muling isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang bigyang daan ang isasagawang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang mga kalsada sa Quezon City at Ca­loocan City ngayong weekend. 

Ayon kay DPWH National Capital Region Director Melvin Navarro, ang road reblocking sa anim na mga kalsada ay magsisimula mamayang alas-11 ng gabi at matatapos sa Lunes, February 12 ganap na ala-5 ng madaling araw. 

Sa Quezon City, gagawin ang pagkukumpuni sa northbound direction ng Visayas Avenue sa harap ng Department of Agriculture, inner lane; bahagi ng EDSA pagitan ng Landers Street hanggang Howmart 5th Lane; Congressional Avenue Extension bago mag-Visayas Avenue, 1st lane; Congressional Ave­nue mula EDSA hanggang Cagayan Street, 3rd lane. 

Apektado rin ng pagkukumpuni ang northbound ng Quirino Highway mula T. Urbano hanggang Pagkabuhay Road, inner lane; gayundin ang southbound direction ng A. Bonifacio Avenue pagtawid ng Sgt. Rivera, inner lane. Sasailalim din sa pagkukumpuni ang northbound direction ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City. 

Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta para hindi sila mabalam sa inaasahang pagsisikip ng traffic sa lugar.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with