^

Metro

40-taon sa ex-police officer, 5 pa sa pagkidnap sa Pakistani

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
40-taon sa ex-police officer, 5 pa sa pagkidnap sa Pakistani

Ang anim na nasentensiyahan kaugnay sa pagkidnap sa isang negosyanteng Pakistani matapos hatulan kahapon ng reclusion perpetua o katumbas ng 40-taon pagkabilanggo. Kuha ni Ernie Peñaredondo
 

MANILA, Philippines — Pagkaraan ng sampung  taon, hinatulan na kahapon ng reclusion perpetua o 40-taong pagkakulong ang anim na katao kabilang ang isang dating police official at dating sundalo matapos kidnapin ang isang negos­yanteng Pakistani national noong 2007 sa Makati City.

Sa 28  pahinang desisyon ni Judge Elmo Alameda, ng Brach 150 ng Makati City Regional Trial Court (RTC), ang mga nahatulan ay  sina Police Sr. Inspector Eleazar Seiton; Jonathan Melgo; Ahmad Guiamad; Sgt. Luminog P. Guiapal , alyas Mike Asim; Jumel Tunal Canazares, alyas Corporal Jumel Cana-zares at Beltran Tompeta Taba, alyas Taba.

Ang mga ito ay guilty sa kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code (Kidnapping for Ransom), samantalang pinawalang sala  naman sila sa kasong theft.

Samantala, kinilala naman ang biktima at complai-nant na si Tariq Mian, isang Pakistani national, negos-yan­te at taga San Lorenzo Village, Makati City.

Base sa record ng korte, naganap ang pangingidnap ay noong Mayo 24, 2007, alas-8:30 ng gabi sa harapan  ng  pag-aaring tindahan ng biktima sa Silver Rose General Merchandise, na matatagpuan sa panulukan ng Dela Rosa at Santuico Sts. ng naturang lungsod.

Nasa harap ng tindahan ang biktima, kasama ang helper na si Joeffrey Cabading at bayaw na si Jason Panis nang dumating ang mga akusado sa pangunguna ni Seiton na may dalang warrant of arrest laban sa una  hinggil umano  sa kaso nitong illegal recruitment, large scale estafa. Gayunman, napag-alaman na sa orihinal na warrant of arrest na dala ng mga akusado ay hindi illegal recruitment, kundi estafa lamang at wala naman  ang pangalan ng biktima.

Dito na nila kinuha si Mian at isinakay sa isang Toyota Innova kung saan hinihingan ito ng mga akusado ng ran­som money na halagang P50 million para sa kanyang kala­yaan.

Subalit, nagmakaawa ang biktima sa mga akusado na ang kaya lamang niya ay P5 million at matapos magtawaran ang naibigay lamang ni Annalisa, misis ng biktima  sa mga akusado ay P2 million.

Kahit naibigay na ang  naturang halaga, hindi kaagad pinalaya ng mga akusado ang biktima.

Noong Hunyo 3, 2007 sa kahabaan ng Nicanor Garcia St., Makati City, isinakay nina Melgo at Guiamad sa taxi ang biktima at hindi alam ng mga ito na may ikinasang rescue operation  ang operatiba ng PACER.

Nagresulta ito sa pagka­ka­dakip sa mga akusado at pag­kakasagip naman sa biktima.

KIDNAPPING FOR RANSOM

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with