Isa sa mga pinaulanan ng bala ng pulis, tanod sa Mandaluyong kinasuhan
MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong kriminal ang isa sa mga pinaulanan ng bala ng pulis at tanod sa Mandaluyong nitong nakaraang buwan.
Kinasuhan ng homicide sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office si Eliseo Aluad Jr. alyas Bobot ng Welfareville Compound.
Si Aluad ang sinisisi sa pagakamatay ng kaniyang partner na si Jonalyn Amba-an na isa sa mga nasawi matapos ang “mistaken identity” nang paulanan ng bala ang kanilang van sa Shaw Boulevard nitong Disyembre 28.
Ayon sa mga awtoridad hindi namatay si Amba-an dahil sa pamamaril ng mga pulis at tanod.
Nasawi umani si Amba-an dahil sa nauna pang alitan kung saan sangkot si Aluad.
Isinusugod sa ospital si Amba-an nang mapagkamalan ng mga pulis at tanod na tumatakas sila.
Ang Eastern Police District-Special Investigation Task Group-Shaw (EPD-SITG) ang nagsampa ng kaso kung saan sjna Supt. Enrique Agtarap, officer in charge ng Mandaluyong City Police at Chief Insp. Dominador Ignacio ang nominal complainants.
Nag-ugat umano ang kaso ni Aluad base sa autopsy ng Scene of the Crime Operatives kay Amba-an at sa testimonya ng isang scavenger na si Roderick Hife.
Lumabas na nasawi si Amba-an dahil sa multiple gunshot wounds sa kaniyang ulo at katawan.
Nalaman din na binaril ng malapitan ang biktima.
Ayon sa imbesigasyon ng SITG-Shaw, binaril ni Aluad ang grupo ng kaniyang nakaalitan sa Barangay Addition Hills ngunit sinubukang pumagitna ni Amba-an kaya ito tinamaan.
- Latest