^

Metro

Sunog sa Tondo at Muntinlupa: Higit 200 residente naapektuhan

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 50 bahay ang naabo matapos, sumiklab ang isang sunog kahapon ng hapon sa may Capulong St., Tondo, Maynila.

Nabatid kay Fire Chief Ins­pector Joselito Reyes, ng Manila Fire Bureau (MFB) nagsimula umano ang sunog dakong alas-12:35 ng hapon  na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire-out pasado ala-2 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang­ sunog na naging dahilan sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Road 10 dahil sa pagma­madali ng mga residente na mailigtas ang kani-kanilang mga kagamitan.

Nalaman na nakatulong umano ang malakas na pagbuhos ng ulan para mapigil ang pagkalat pa ng sunog. Tinatayang may 200 residente ang naapektuhan sa sunog.

Samantala sa Muntinlupa City, nasa 20 pamilya ang na­walan ng tirahan matapos masunog ang nasa 10 kabahayan kahapon.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog  alas-8:15 ng umaga sa Mendiola St., Purok 1, Brgy. Alabang ng naturang siyudad.

Dahil pawang gawa sa light materials, nasa 10 kabahayan ang tinupok ng apoy na umabot sa ikatlong alarma. Mabilis namang rumisponde ang mga bumbero sa lugar at alas-9:24  ng umaga idineklarang fire-out ang sunog.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with