^

Metro

PISTON leader George San Mateo, inaresto

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PISTON leader George San Mateo, inaresto

Inaresto bago pa makapagpiyansa si George San Mateo, PISTON national president matapos na magpa­labas ang korte ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Section 20 ng Commonwealth Act. No. 146 o Public Service Act kaugnay sa isinagawa nilang tigil-pasada noong nakaraang Pebrero, 2017. Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang presidente ng Pi­­nagkaisang Samahan ng Tsu­per at Operator Nationwide (PIS­TON) na si George San Mateo sa Quezon City Hall of Justice, kahapon ng tanghali.

Si San Mateo ay nakatakda­ sanang magpiyansa ng P4,000 dakong ala-1:30 ng tanghali sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 43, Judge Don Ace Mariano Alagar dahil sa kasong paglabag sa Section 20 of the Commonwealth Act No. 146, o Public Service Act kaugnay ng kanilang isina­gawang transport strikes o tigil pasada noong Pebrero 27, 2017 para tutulan ang jeepney modernization program ng pa­mahalaan.

Hindi na pinahintulutang makapasok sa gusali ng Hall of Justice si San Mateo noong siya ay arestuhin ng mga awto­ridad ng QCPD station 10 at dalhin sa Kamuning police station.

Ayon kay Atty. Vicente Jaime­ Topacio, abogado ni San Mateo, isa lamang minor­ offense at baillable ang kina­kaharap na kaso ng kanyang kliyente pero hindi umano nirespeto ang karapatan nito na magpiyansa sa halip ay inaresto pa.

“Personal appearance na lang sa court ang kulang eh at inaresto siya sa mismong hall of justice na eh” sabi ni Topacio.

Igiinit pa ni Atty. Topacio na ayaw nilang magkaroon ng delay sa proseso ng kaso at magkaroon ng drama pero nangyari ang ayaw niyang mang­yari dahil dinakip ang kanyang kliyente.

Samantala, ilang oras ma­tapos itong arestuhin ay naka­paglagak din ng piyansa si San Mateo makaraang suma­ilalim sa booking procedure sa QCPD Station 10.

Isinailalim din siya sa medi­cal check-up sa naturang him­pilan ng pulisya.

Sa ginawang pag-aresto sa kanya, mariing kinondena ni San Mateo ang umanoy panggigipit sa kanya dahil sa paha­yag sa mga isyung pambansa tulad ng pagtutol nila sa jeep­ney modernization program ng gobyerno na nagreresulta ng jeepney phaseout.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with