^

Metro

Killer ng Grab driver sumuko

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko na sa mga awtoridad ang pangunahing suspect sa pagpatay sa Grab driver na si Gerardo “Junie’ Maquidato Jr., na iniharap sa media ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato “ dela Rosa sa Camp Crame kahapon.

Kinilala ang suspect na si Narc Tulod Delemios , guma­gamit ng mga alyas na Miko at Real Nikolo Delemios.

Ayon kay dela Rosa si Delemios ay natukoy na siyang bumaril at nakapatay kay Maquidato na hinoldap nito noong Oktubre 26 ng gabi sa Bonanza Street, Brgy. 189, Don Carlos Village sa lungsod ng Pasay.

Ang suspect ay sinundo ng mga pulis nitong Martes ng gabi sa tahanan nito sa Kaymito Street . Brgy. Sto Niño , Pasay City matapos na magpahayag ng hangarin ang biyenang babae ng suspect na pasukuin na ito ng mapayapa sa mga awtoridad .

Ayon sa imbestigasyon, ang suspect ay nagpanggap na pasahero ng Grab na ginamit sa pagpapa-book ang mobile phone ng kaniyang live-in partner na si Giselle Capati, 23, na una nang natukoy ng mga awtoridad matapos na suriin ang cellphone ng biktima.Nabatid na matapos na barilin si Maquidato ay tinangay pa ng suspek ang perang kinita ng nasabing Grab driver at kinarnap ang minamaneho nitong Toyota Innova van na narekober ng pulisya sa Brgy. Matatalaib, Tarlac City kamakalawa.

Sa imbestigasyon,  sinabi ni dela Rosa na ang suspect ay may standing warrant of arrest sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 257 kaugnay ng pagpatay sa biktimang si Gino Balbuena noong Oktubre 2014 sa Baclaran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with