^

Metro

Ama na pumatay ng sariling anak, kinasuhan na

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa pera

MANILA, Philippines — Kasong parricide ang isinampang de-manda ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa ama na pumatay ng kanyang sariling anak dahil sa hindi pagbibigay ng pera ng biktima sa suspek.

Ayon kay P/Chief Insp. Titoy Cuden, hepe ng QCPD-Public Information Office, nai-akyat na Quezon City prosecutor’s ang kasong parricide laban sa suspek na si Antonio Sy, 83, negosyante ng Damar Village, Brgy Damar, Quezon City.

Si Antonio ay siyang responsable sa    pagbaril at pagpatay sa kanyang sariling anak na si John Sy, 50, negosyante.

Nabatid na ang kasong parricide ay “non bailable offense” lalo pa’t binaril at napatay ang  biktima ng walang kalaban- la­ban na sakay ng kanyang sasakyan noong paputukan ng dalawang beses ng suspek.

Nakakulong ngayon ang matandang Sy sa QCPD detention cell habang hinihintay ang “commitment order” ng korte kung saan ito ililipat.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO3 Joven Raymaro, nabatid na unang nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama noong Biyernes ng alas-7:15 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima.

Ayon sa report, dumating ang suspek ay nanghihingi ng pera sa kanyang anak pero hindi ito binigyan ng biktima at habang sakay ang batang Sy ng kanyang Mitsubishi Pajero biglang binunot ng matandang Sy ang kanyang baril at dalawang beses na binaril sa dibdib ang kanyang anak na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Sinasabing kada buwan ay nagbibigay ng sustento ang biktima sa kanyang ama pero noong maganap ang insidente ay humihingi umano ng pang sugal sa casino ang suspek kaya hindi niya ito binigyan.

Agad naman nadakip ng mga nagres­pondeng security guard ang suspek at nabawi sa kanya ang isang kalibre 45 Glock  na baril.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with