^

Metro

Magulang ng 14-anyos na si de Guzman, inalok sa WPP

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nag-alok ang Department of Justice (DOJ) na mapasailalim sa provisional cove-rage ng Witness Protection Program (WPP) ang mga ma­gulang ng 14-anyos na binatilyo na si Reynaldo De Guzman na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan    sa Gapan, Nueva Ecija.

Kasabay naman nito, ini-utos ni DoJ Secretary Vita­lia­no Aguirre sa National Bureau of Investigation (NBI) na mag­­sagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkapa-tay kay De Guzman at Arnaiz.

Si De Guzman ang huli umanong nakasama ni Carl Arnaiz nang mapatay ang huli ng mga pulis-Caloocan matapos umanong manlaban nuong August 18.

Ayon kay Justice Secre­tary Vitaliano Aguirre, naka­tanggap siya ng impormas-yon na natatakot ang mga magulang ni De Guzman kaya inalok niya ang mga ito na mapasailalim sa WPP. Wala pang impormasyon kung ano ang naging tugon ng mga magulang ni De Guzman.

Sinabi ni Aguirre na handa rin siyang mamagitan kung nanaisin ng mga magulang ni De Guzman na makausap si Pangulong Duterte para personal na hilingin na mabigyan ng hustisya ang brutal na pagpatay sa kanilang anak.

Samantala, base sa inis­yal na resulta ng autopsy report na isinagawa ng NBI-Forensics Division, lumalabas na 26 na saksak ang tinamo ni De Guzman.

Sinabi ni Aguirre na ina­alam na lamang kung ang pitong saksak sa dibdib ng bata ay ginawa bago o pagkatapos nitong paslangin.

Samantala, nag-alok kahapon ng P200,000 reward si Gapan City, Nueva Ecija Mayor Emerson Pascual para sa sinumang makapagtuturo sa mga killers ni de Guzman na ang bangkay nga  ay itinapon sa kanilang lungsod.

“Kung sino man ang makakapagturo kung ano ang plate number, anong sasakyan, o nakakakilala doon sa tao, kung sino man ang nagtapon kay Kulot, magbibigay ako ng P200,000 reward”, anang alkalde na aminadong kasiraan sa peace and order ng kanilang lungsod na gina­wa pang dumping site ng pinaslang na biktima.

Sinabi ng alkalde na ba­gaman hindi residente ng Gapan City ang pamilya ni Kulot  ay nais lamang niyang makatulong sa pamilya nito na naghahanap ng hustisya. 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with