^

Metro

Suspensyon sa Uber tuloy, kahit nag-sorry

Doris Franche-Borja at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-sorry na ang pa­mu­nuan ng Uber sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) kaugnay sa ilang umano’y paglabag nito dahilan para patawan sila ng isang buwang suspensyon.

Bagamat tinanggap ng LTFRB ang pagso-sorry ng mga ito, tuloy pa rin umano ang suspensyon sa Uber, gayunman pwede umanong mapaikli na lamang ang ipinataw na parusa dito.

Ito’y makaraang wa­lang nagawa ang Senado na mapigilan ang suspension laban sa Uber matapos na walang konkretong napagkasunduan ang mga opisyal na dumalo sa ipinatawag na “urgent meeting” ni Senador Grace Poe kahapon.

Napagkasunduan lamang sa pulong ng lahat ng partido na kailangang maisaayos ang bagong regulatory framework hindi lamang para sa ridesha­ring kundi mapaganda ang taxi fleets at ang kapabi­lidad na magbigay ser­bisyo­ sa publiko at ma­bigyan ng kompensasyon ang mga drivers.

Nauna rito, sinabi ng LTFRB na anumang oras ay puwedeng  kanselahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang accreditation ng Uber.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, matibay ang kanilang ebidensiya na muling nag-acti­vate ang Uber ng apat na sa­sakyan sa kabila ng ka­ni­lang July 26 order.

“Apat na sasakyan ang naipasok. Kahit wala kang makikita na mga tao sa opisina nila ay nakaka-apply pala online eh,” ani Delgra.

Aniya, kung magiging mahigpit ang LTFRB batay na rin sa rules na inilabas ng board, puwede nilang kanselahin ang ak­reditasyon nito.

Habang binabalanse umano nila ang innovation at technology, hindi umano dapat na mawalan ng bisa ang batas dahil ang mga ito na ang siyang gagawa ng sarili nilang batas.

Ang pagkabigo ng Uber na sundin ang kanilang kautusan noong Hulyo 26 ay nangangahulugan na ayaw sumunod ng Uber sa regulasyon ng LTFRB.

Lumilitaw sa report na 66,000 ang activated units ng Uber habang 55,000 units naman ng Grab. Ngunit ayon kay Delgra, posibleng mas marami pa rito ang bilang ng Uber cars.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with