^

Metro

Tren ng LRT-1, nagka-problema sa preno, nagpababa ng mga pasahero

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Tren ng LRT-1, nagka-problema sa preno, nagpababa ng mga pasahero

Sa abiso ng LRT-1, nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang pababain ang mga pasahero ng tren sa United Nations Ave­nue Station sa Ermita, Manila. File

MANILA, Philippines - Dumanas ng aberya sa preno ang isang tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sanhi upang mapilitan itong magpababa ng mga pasahero, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng LRT-1, nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang pababain ang mga pasahero ng tren sa United Nations Ave­nue Station sa Ermita, Manila.

May naamoy umano ka­sing usok na nanggagaling mula sa tren kaya’t upang ma­tiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ay inilipat na lamang sila ng ibang tren.

Nang busisiin, natukoy na posibleng problema sa preno ang naging dahilan ng aberya.

Naibalik naman kaagad sa normal ang biyahe ng LRT-1 matapos ang ilang minuto.

Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Baclaran, Parañaque City hanggang Roosevelt, Quezon City.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with