^

Metro

Camp Crame, Pasay RTC binulabog ng ‘bomba’

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginulantang ng bomb scare ang headquarter ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ma­ta­pos na isang package ang maiwan sa Gate 2 sa kaha­baan ng Boni Serrano Ave­nue, Quezon City kahapon.

Ito’y halos isang oras  ma­tapos na pangunahan ni PNP Chief P/Director Gene­ral Ronald “Bato’’ dela Rosa ang flag raising sa kampo may ilang distansya lamang sa Gate 2 ng punong him-pilan ng PNP.

Ayon kay Senior Supt. Edwin Capanzana, Chief of Staff ng PNP Explosive Ordnance Disposal and Canine Group, bandang alas-8:50 ng umaga nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa inabandonang package sa Gate 2 ng punong himpilan ng pulisya.

Sinabi ni Capanzana na mabilis na nagresponde ang kanilang mga tauhan, Headquarters Support Service (HSS) at Explosives Ordnance Division (EOD) ng Quezon City Police District  (QCPD) bitbit ang K -9 dogs na agad ininspeksyon ang nasabing bagahe.

“Nung ininspect namin yung abandoned package sa x-ray eh may nakitang cell­ phone, power bank so as part of the security protocol we decided to disrupt the package  to be sure na ala bomba”, ani Capanzana na sinabing karaniwan ng ginagawang triggering device sa pambobomba ang cell phone.

Ang mga EOD person-nels bilang bahagi ng pro-seso ay gumamit din ng water dis­ruptor sa nasabing bagahe na noong una ay inakalang bomba.

Gayunman, matapos ang masusing pag-iinspek­syon ay nadiskubreng ne­gatibo sa bomba ang ina­bandonang bagahe na nag­lalaman ng mga uniporme ng security guard, damit, mga dokumento, mga pagkain, hanger, po­wer banks at apat na cell phones.

Nabatid base sa footage ng Closed Circuit Television footage sa harapan ng gate 2 na ang bagahe ay naiwan ng isang pasahero na dali-daling bumaba sa isang pampasaherong jeepney na huminto sa tapat ng Gate 2 ng Camp Crame.

Aminado naman ang opisyal na dahilan sa kaguluhan sa Marawi City ay naniniguro lamang sila na  hindi malulusutan ng mga sympathizers ng Maute-ISIS group na posibleng nasa Metro Manila.

Natukoy naman na isang nagngangalang Albert Subreo ang nagmamay-ari ng naiwang package na lumikha ng tensiyon sa mga bystan-ders at alarma sa mga pulis na nagbabantay sa Gate 2 sa Camp Crame.

Magugunita na hindi ito ang unang pagkakataon na binulabog ng bomb scare ang Gate 2 ng Camp Crame dahilan sa mga inaabandonang bagahe sa punong himpilan ng  PNP.

Samantala, sa Pasay City pansamantalang naparalisa ang operasyon sa Pasay City Hall Justice  matapos makatanggap ng bomb threat ang mga kawa-ni dito kahapon ng hapon.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Police Supt. Dionisio Bartolome, ala-1:00 kahapon ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono mula sa hindi nagpakilalang caller ang mga kawani ng Pasay City Regional Trial Court, Branches 109 at 111 na may bomba umano sa kasagsagan ng pagdinig.

Dahil dito nabulabog ang mga kawani at kaagad na pi-nalabas ang mga kawani dito.

Kaagad na nagsagawa ng inspection ang mga ka­gawad ng Pasay City Police Explosive and Ordnance Division (EOD) and Special Weapons and Tactics (SWAT) sa buong gusali.

Pagkatapos ng kalaha-ting oras na inspection ay ne­gatibo naman sa bomba at alas-2:00 ng hapon ay bumalik ito sa normal na  operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with