Nagpadeliber ng ‘bomb package’, tukoy na
MANILA, Philippines - Tukoy na ng Manila Police District ang nagpadeliver nang sumabog na package para sa abogadong si Atty. Nasser Abinal bilang Revenue District Officer (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakatalaga sa Intramuros, Maynila noong Mayo 5.
Ayon sa isang opisyal ng MPD, isang babae na pinaniniwalaang Muslim na nakabalot ang ulo at mata malamang ang nakikita at nagngangalang ‘Hannah’ ang nagpa-deliver at nag-abot ng package sa delivery boy ng Grab base rin umano sa transaction slip.
Nagkita si ‘Hannah’ at ang delivery boy sa north side ng isang mall base na rin sa closed circuit television ng barangay.
Nabatid na ang CCTV rin ang susi kung saan nakita ang pagdedeliber ng package hanggang sa maganap ang pagsabog sa Norzagaray St., sa Quiapo, Maynila.
Nagsasagawa pa rin ng follow up investigation ang MPD hinggil sa utak ng pagpapasabog.
Samantala, nakatakdang makipagdyalogo ang MPD kasama si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga lider na Muslim upang mapag- usapan ang sitwasyon.
Inatasan din ni Estrada si Nanet Tanyag, hepe ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), na kontakin at makipag-ugnayan sa mga pamilya ng dalawang taong nasawi at tignan kung anong tulong ang maaaring maibigay ng pamahalaang lungsod gayundin ang mga nasugatan sa mga naganap na pagsabog noong Abril 28 at Mayo 5.
- Latest