6 timbog sa pot session
MANILA, Philippines - Arestado ang anim na katao na hinihinalang pa-wang adik nang maaktuhang nagpa-pot session ng mga awtoridad sa Brgy. Ilog, Pasig City kamakalawa.
Ang mga suspek na sina Michael Espanio, Felipe dela Rosa, Nilo Logronio, Edralin Victorino, Riczal Redeloza, at Alfonzo Painaga, na pawang residente ng naturang barangay ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Batay sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, ang mga suspek ay inaresto matapos na maaktuhang nagpa-pot session ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 ng Pasig City Police dakong alas-3:30 ng hapon.
Nagpapatrulya umano ang mga awtoridad sa A. Flores St. sa Brgy. Ilog, nang may makapagsabi sa kanila na isang grupo ng mga drug addict ang nagpa-pot session sa naturang lugar.
Kaagad naman itong pinuntahan ng mga pulis at na nakumpirma dahilan upang sila ay arestuhin.
- Latest